Ang Pangarap Natin para sa
Bataan
Marami tayong pangarap para sa Bataan.
Kasama kayo sa pag-abot ng mga ito.
01
MALINIS AT MALUSOG NA KOMUNIDAD
Dapat abot-kaya, abot-kamay, angkop, at de kalidad ang healthcare. Nagsisimula ito sa pagtuturo ng magagandang habits, tulad ng pagkain ng tama, pag-eehersisyo, at kalinisan sa pangangatawan at kapaligiran. Dapat ding madaling puntahan, angkop, at sapat ang healthcare, lalo na sa mga Rural Health Centers at District Hospitals. Dapat palawakin pa ang kakayahan ng mga Barangay Health Workers at iba pang health professionals, at makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at pribadong sektor para sa mga healthcare o medical programs.
02
EDUKASYON ABOT-KAYA AT DE KALIDAD
May karapatan ang lahat sa de kalidad na edukasyon. Kaya, mula elementary hanggang college, dapat abot-kaya, naaayon sa panahon, at globally competitive ang edukasyon. Dapat sapat at makabago ang mga gamit at facilities ng paaralan. Dapat abot-kamay ang mga babasahing makakatulong na maging mapanuri ang mga estudyante.
03
KABUHAYAN PARA SA LAHAT
Dapat palakasin ang mga magsasaka at mangingisda upang direkta nilang maibenta ang kanilang mga produkto sa palengke o mamimili, sa tamang halaga. Dapat turuan at bigyang insentibo ang mga mamamayan na magtayo ng negosyo. Dapat buksan ang ekonomiya sa mga tamang investors at industriya. Dapat bukas din tayo sa panibagong ekonomiya at trabahong kaugnay ng digital o computer age. Upang itaguyod ang kultura ng kahusayan at paghandaan ang mga trabaho, dapat iangat ang galing ng mga mamamayan sa tulong ng mga paaralan, vocational schools, pamahalaan, at pribadong sektor.
04
MAKATARUNGAN AT PATAS NA LIPUNAN
Bagamat makakaiba ang ating estado sa buhay, dapat lahat pantay-pantay sa mata ng batas – walang palakasan. Dapat abot-kaya ang hustisya, at palawigin at pagalingin ang mga kasangkapan nito sa lipunan. Dapat alam natin ang karapatan natin sa ilalim ng batas, at pabilisin ang pag-usad ng hustisya.
KILALA MO SI
TONY
Nakita mo na si Tony online. Nagbibigay s’ya ng free legal advice sa Facebook, TikTok, Instagram at YouTube. Pinapasimple n’ya ang pamimigay ng payo para madaling maunawaan ang mga legal issues. Paniwala n’ya, ang batas dapat naiintindihan ng lahat.
Nasa dugo ni Tony ang public service. Dating miyembro ng Kongreso ang kanyang mga magulang. Kapatid s’ya ng kasalukuyang kinatawan ng Unang Distrito ng Bataan. Oo, si Congresswoman Geraldine Roman!
Tama ka! Isa s’ya sa Rising Creator ng TikTok Philippines noong 2021. Kaya “TikTok Lawyer” ang bansag sa kanya. Isa rin s’ya sa Top Vloggers in the Philippines noong 2023 ayon sa Pinoy History. Ngayong 2024, tuloy ang pagtulong n’ya sa mga kababayan natin gamit ang social media at chatbot technology. Patuloy n’ya ring hinaharap ang sinumang gustong dumulog sa kanya.
‘Di maiaalis kay Atty. Tony Roman ang pagtulong! Kilala mo naman ‘yan.
Video Vault
Mga Karapatan ng Nasasakdal
10 Karapatan ng Kasambahay
10 Karapan ng Bawat Pilipino
Nais kong magbigay ng aking oras at kakayahan upang makatulong sa inyong adbokasiya.